Alamin ang Mga Karapatan Mo Bilang Manggagawa Ayon sa Labor Code of the Philippines

Alamin ang Mga Karapatan Mo Bilang Manggagawa Ayon sa Labor Code of the Philippines
Jobstreet content teamupdated on 04 July, 2022
Share

Bilang empleyado, pinuprotektahan ka ng batas—na nangangalaga rin sa mga karapatan ng manggagawa ayon saLabor Code of the Philippines.Ang Labor Codeay binubuo ng mga batas na dapat sundin ng mgaemployerat empleyado para maging maganda ang kanilang relasyon.

Sakop ngLabor Codeang mga sumusunod na aspeto:

  • Pre-Employmentna nagsasaad ng mga dapat sundin o gawin bago magtrabaho o tumanggap ng aplikante
  • Human Resources Development Programpara malinang ang kakayahan ng mga empleyado
  • Conditions of Employmentpara masigurong makatarungan ang mga alituntunin ng mgaemployer
  • Health, Safety and SocialWelfare upang masiguro ang pangkalahatang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa
  • Labor Relationsna tumatalakay sa karapatan ng mga empleyado na ipahayag ang mga hinaing at mungkahi
  • Post Employmentna saklaw ang mga alituntunin sa pagpapaalis ng empleyado, pagtatapos ng kontrata, at pagreretiro
  • Transitory and Final Provisionsna tungkol sa mga posibleng parusa kung lumabag sa batas ang empleyado oemployer

Ano ang kontraktwalisasyon?

Sa kontraktwalisasyon, pumipirma ka ng kontratang nagsasaad ng simula at katapusan ng iyong pagtatrabaho para isang kumpanya oemployer.Ayon sa Labor Code, dapat nakalagay sa kontrata ang mga sumusunod na impormasyon:

  • Ang malinaw na paglalarawan ng iyong trabaho o serbisyo bilang empleyado
  • Ang lugar na iyong pagtatrabahuhan, ang mga alituntunin at kondisyon tulad ng halaga ng iyong sahod, at mga benepisyong matatanggap
  • Tagal ng iyong pagtatrabaho na umaayon saService Agreemento sa panahon ng trabaho o proyekto na iyong hahawakan.

Ayon sa Labor Code, dapat ding may pirmahan kangService Agreementkung magtatrabaho ka sa ilalim ng isang kontratista—o ‘yung nagsusuplay ng serbisyo o manggagawa para sa isang proyekto o kumpanya. Nilalaman ngService Agreementang mga nakasaad sa kontrata kasama ang sumusunod:

  • Ang pangakong igagalang ang mga karapatan ng mga manggagawa na tinatalakay saLabor Code
  • Net Financial Contracting Capacityo ang kakayahang pampinansyal ng kontratista upang maisagawa ang proyekto
  • Kasiguraduhan ng pagsahod ng empleyado
  • Pagbabayad ng kontratista sa mga benepisyo ng manggagawa gaya ng SSS, PhilHealth at iba pa.

Dapat Mo Bang Tanggapin ang Kontraktwal na Trabaho?

Kadalasan, negatibo ang konotasyon ng kontraktwalisasyon dahil akala ng karamihan, wala itong seguridad at mga benepisyo. Subalit nakasaad sa batas na may mga karapatan ka bilangcontractual employee. Kung ang trabaho ay kaya mong gampanan nang maayos at ikaw naman ay mamamasukan sa isang magandang kumpanya, walang masama kung ito ay tatanggapin mo. Ang mahalaga ay alam mo ang mga panuntunan na magsisilbing proteksyon mo laban sa ‘di-makatarungang pagtrato.

Sa katunayan, maaaring makatulong sa ‘yo ang kontraktwalisasyon dahil:

  • Pwede kang kumita habang naghihintay ng regular na trabaho.
  • Maaaring matanggap ka bilang regular na empleyado pagkatapos mong ipakita ang kakayahan mo bilang kontraktwal na trabahador.
  • May mga benepisyo kang natatanggap bilangcontractual employee.
  • Makadagdag ito sa iyong kakayahan atwork experience.

Mga Karapatan Mo Bilang Contractual Employee

Bago lumagda ng kontrata, siguraduhin na hindi mapang-abuso sa ‘yo ang mga nilalaman nito. Alamin ang iyong mga karapatan na nakasaad sa ilalim ngDepartment of Labor and Employment(DOLE), Department Order 18-A Series of 2011.

1. Ligtas at maayos na kondisyon ng pagtatrabaho

Hindi dapat nakokompromiso ang iyong kalusugan o kaligtasan sa lugar na iyong pagtatrabahuhan. Responsibilidad ng kumpanya oemployerang pagsasagawa ng regularhazard inspections,at ang pagpapabuti at pagtupad ng mga alituntuning pangkaligtasan sa iyong trabaho. Kasama sa usaping kalusugan angmental healthna tungkulin din ngemployer. Bilang kontraktwal na empleyado, karapatan mo ang pagkakaroon ng positibong work environment, kung saan ramdam mo ang respeto at pagtutulungan ng mga miyembro.

2. Pagtanggap ng mga insentibo

Kasama sa mga insentibo mo bilang kontraktwal na manggagawa ang pagkakaroon ng araw ng pahinga, bayad na bakasyon, pagtanggap ng bayad sa sobrang oras ng pagtatrabaho oovertime pay, at bayad sa tuwing mayholiday. Sa oras na winakasan nang maaga ang iyong kontrata, may karapatan kang magkaroon ngseparation pay.At alam mo ba dapat ka ring bigyan ng 13th-month pay? Ayon sa Section 8 ng DOLEDepartment Order18-A, lahat ng mga kontraktwal na empleyado ay karapat-dapat na makatanggap ng 13th-month pay. Ito ay base sa 1/12 ng iyongbasic salaryna tinatanggap mo sa isang taon. Kung wala ka pang isang taong nagtatrabaho sa kumpanya, pwede ka pa ring makatanggap ng 13th-month pay sa mas maliit na halaga.

3. Benepisyo sa pagreretiro

Sa oras na ikaw ay magretiro, dapat makakuha ka ngretirement benefitssa ilalim ng Social Security System (SSS) o ng mismongretirement planng kumpanyang pinapasukan mo, kung mayroon man. Ayon saSSS website, maaaring matanggap ang bayad sa iyong pagreretiro sa dalawang paraan: 1) pensiyon na ibibigay sa iyo kada buwan, o 2)lump sum amounto ang pagkuha ng cash benefit sa isang bagsakang may interes. Upang magkaroon ngSSS retirement pay, dapat ay nakapagbayad ka at ‘yong employer ng hindi bumababa sa 120 buwanang kontribusyon.

4. Iba pang mga benepisyo

Bukod sa SSS, may karapatan ka rin sa mga benepisyo mula sa PhilHealth at Pag-Ibig. May mga buwanang kontribusyon din ang mga ito na dapat hinuhulugan mo at ng iyong employer. Makatutulong ang Pag-Ibig sa pagpapagawa o pagbili ng bahay, habang magagamit ang PhilHealth para sa mga medikal na gastusin.

5. Pagbuo ng sariling samahan at paglahok sa mapayapang pagtitipun-tipon

Tulad ng mga regular o permanenteng empleyado, kasama sa iyong karapatan ang pagbuo o pagsali sa mga unyon ng mga manggagawa. Maaari kang makilahok sa sama-samang negosasyon ukol sa mga isyu sa trabaho. Pwede ka ring makiisa sa mapayapang protesta at pagtitipun-tipon upang ilahad ang iyong mga hinaing. Dapat hindi manganib ang iyong trabaho dahil sa mga gawaing ito.

6. Seguridad sa trabaho

Bago magsimulang magtrabaho sa ilalim ng isang kontraktuwal na kasunduan, dapat malinaw ang hangganan ng iyong pagsisilbi sa kumpanya. Labag sa batas ang maaga o biglang pagsasawalang-bisa ng iyong kontrata kung walang katanggap-tanggap at makatwirang dahilan. Kahit ika’ycontractual employee,dapat ay itinuturing ka nang parangregular employeehabang may bisa ang ‘yong kontrata.

Kung Sakaling Gusto Nang Wakasan ng Employer ang Kontrata

Hindi basta-basta at agad-agad na mawawakasan ang iyong kontrata. Gaya ng nabanggit kanina, kung gagawin ito ng employer nang wala kang kasalanan, dapat kang bigyan ng separation pay. Pero may karapatan ang employer na paalisin ka dahil sa mga sumusunod:

  • Masamang pag-uugali tulad ng pambabastos sa kapwa empleyado at pagkompromiso sa kanilang kaligtasan
  • Pagsuway sa mga utos at alituntunin ng ahensya o kumpanya
  • Pagsasawalang-bahala sa mga tungkulin
  • Kapag hindi ka na napagkakatiwalaan at wala nang kumpiyansa sa iyo ang mga katrabaho mo
  • Paglabag sa batas o paggawa ng krimen

Bago ka paalisin, may prosesong dapat sundin ang employer.

  1. Dapat ka padalhan ng kasulatan na nagsasaad ng dahilan kung bakit ka paalisin, ang inilabag mong alituntunin o batas, at ang pagkakataon na maipahayag ang iyong depensa.
  2. Meron kang limang araw upang ipaliwanag ang iyong aksyon.
  3. Padadalhan ka ngwritten notice of termination.Bibigyan rin ng kopya angregional officeng DOLE.
  4. Bibigyan ka ng 30 araw na palugid bago ka paaalisin.

Permanente man o kontraktwal, mahalagang isaalang-alang ang iyong mga karapatan bilang manggagawa. Malaki ang magiging epekto nito sa iyong kabuhayan at kaligayahan sa iyong karera.

Handa ka na ba maghanap ng trabaho? #LetsGetToWork at lumikha o i-updateang iyong profile. Para makakita ng mas maraming trabaho, bumisita sa JobStreet o i-download ang JobStreet app sa Google Play o App Store.

Bisitahin din ang aming Career Tools at Career Resources Hub para malaman kung paano linangin ang iyong kakayahan at magkaroon ng trabahong makapagpapasaya sa iyo.

More from this category: Your employment rights

Top search terms

Want to know what people are searching for on Jobstreet? Explore our top search terms to stay across industry trends.

Subscribe to Career Advice

Get expert career advice delivered to your inbox.
You can cancel emails at any time. By clicking ‘subscribe’ you agree to Jobstreet’s Privacy Statement.