Paano Magsulat ng Liham Aplikasyon Para Makakuha ng Trabaho

Paano Magsulat ng Liham Aplikasyon Para Makakuha ng Trabaho
Jobstreet content teamupdated on 13 April, 2022
Share

Paano Magsulat ng Liham Aplikasyon Para Makakuha ng Trabaho

Kasama ng iyong resume, CV o biodata, ang liham aplikasyon sa trabaho ay mahalaga na ipadala sa mga kumpanya para pahalagahan ka ng mga recruiter. Ito ay isang simple at maikling sulat kung saan ipapakilala mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng paglista ng mga kakayahan at work experience.Â

Mahalaga ang paglikha ng liham sa pagaapply ng trabaho upang tumaas ang pagkakataong makakuha ng job interview

Para makabuo ng liham sa pag-a-apply ng trabaho, sundan lamang ang aming mga tips at sample template.

Simulan ang liham aplikasyon sa pagpapakilala sa sarili

Sa unang talata, batiin ang hirer. Ipakilala ang sarili at banggitin ang job position na ina-applyan, at saan mo ito nakita. Banggitin din ang kasalukuyang trabaho kung meron man.

Petsa

Pangalan ng Kumpanya

Para sa Recruiter ng Kumpanya:

Magandang araw!

Ako po si Angela, isang graduate ng ABM track ng K-12 at vocational course sa TESDA. Nakita ko sa JobStreet na nangangailangan kayo ng staff sa opisina at nais ko mag-apply.

Sundan ito ng dagdag na impormasyon tungkol sa iyong sarili

Magbigay ng mga detalye tungkol sa sarili na makatutulong sa iyong aplikasyon. Ito ay makakatulong sa  pag-kumbinse sa hirer na ikaw angkop para sa posisyon.

Kakatapos ko lang sa pag-aaral ngunit nakapagtrabaho na ako sa isang tanyag na fast food chain. Nakatulong sa pagtatapos ko ang pagiging working student, at dahil sa sipag at tiyaga, pinagsabay ko ang pagtatrabaho at pag-aaral. Mayroon akong dalawang taon na experience bilang crew member.

Dagdagan mo ito ng impormasyon tungkol sa iyong mga kasanayan

Kinuha ko ang ABM track sa senior high dahil alam ko na makakatulong ito sa pagkuha ng trabaho. Madalas din akong nakikilahok sa mga programa sa iskwelahan, gaya ng student council activities. Kumuha din ako ng dagdag na vocational course sa TESDA para lalong lumawak ang aking kaalaman. Kalakip ng sulat na ito ay ang aking resume at mga certificate na natanggap sa training.

Magpasalamat sa recruiter sa pagbasa ng iyong liham sa pag aaply ng trabaho

Tapusin mo ang iyong sulat sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa recruiter. Gamitin mo rin ang pagkakataon na ito para ipaalam sa kumpanya na ikaw ay masaya para sa pagkakataong makapag-apply, at umaasa ka na sumagot sila.

Salamat sa pagbasa ng aking liham sa pag aaply ng trabaho at sa pagkakataon na makapagtrabaho sa inyong kumpanya. Maaari nyo po ako tawagan sa anumang oras na nais ninyo.

Lubos na gumagalang,

Angela Cruz

Gamit ang lahat ng kaalaman na iyan, siguraduhin na malaman ang iyong liham sa pag aaply ng trabaho

Sa dami ng aplikasyon na natatanggap ng mga kumpanya araw araw, mayroon lamang silang ilang minuto upang mag-desisyon kung ikaw ay kwalipikado sa trabaho na ina-applyan mo. Para makuha ang atensyon ng recruiter, igsian mo lamang ang iyong sulat at siguraduhin na mababasa nila lahat ng importante na impormasyon. Siguraduhin rin na ito ay malinis at mabilis maintindihan para mas mataas ang tsansa mo na makakuha ng interview.

Kahit anong propesyon o posisyon ang iyong pinag-a-applyan, kailangan bigyan din ng halaga ang liham sa pagaapply ng trabaho. Siguraduhin rin na ang iyong JobStreet Profile ay kumpleto ng iyong detalye na-update. Sa ganitong paraan, mas makikilala ka ng mga kumpanya na gusto mo pasukan. Para sa dagdag na payo sa paghahanap ng trabaho, ugaliing bisitahin ang JobStreet Career Resources Hub.

At JobStreet, we believe in bringing you #JobsThatMatter. As a Career Partner, we are committed to helping all jobseekers find passion and purpose in every career choice. And as the number 1 Talent Partner in Asia, we connect employers with the right candidates who truly make a positive and lasting impact on the organization.Â

Discover Jobs That Matter. Visit JobStreet today.

About SEEK Asia

SEEK Asia , a combination of two leading brands JobStreet and JobsDB, is the leading job portal and Asia's preferred destination for candidates and hirers. SEEK Asia's presence span across 7 countries namely Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Philippines and Vietnam. SEEK Asia is part of the Australian Securities Exchange-listed SEEK Limited Company, the world's largest job portal by market capitalization. SEEK Asia attracts over 400 million visits a year.

About SEEK Limited

SEEK is a diverse group of companies, comprising a strong portfolio of online employment, educational, commercial and volunteer businesses. SEEK has a global presence (including Australia, New Zealand, China, Hong Kong, South-East Asia, Brazil and Mexico), with exposure to over 2.9 billion people and approximately 27 per cent of global GDP. SEEK makes a positive contribution to people's lives on a global scale. SEEK is listed on the Australian Securities Exchange, where it is a top 100 company and has been listed in the Top 20 Most Innovative Companies by Forbes.

More from this category: Cover letters

Top search terms

Want to know what people are searching for on Jobstreet? Explore our top search terms to stay across industry trends.

Explore related topics

Choose an area of interest to browse related careers.

Subscribe to Career Advice

Get expert career advice delivered to your inbox.
You can cancel emails at any time. By clicking ‘subscribe’ you agree to Jobstreet’s Privacy Statement.