Paano Magsulat ng Resume Kung Mag-a-apply Bilang Security Guard

Paano Magsulat ng Resume Kung Mag-a-apply Bilang Security Guard
Jobstreet content teamupdated on 13 April, 2022
Share

Sa pamumuhay nating pang-araw-araw, sa pagpasok sa trabaho o paaralan, o pagtangkilik sa mga bangko o pamilihan, isang uri ng tao ang bumabati sa atin sa bungad ng bawat lugar: ang security guard.

Itinatalaga ang mga security guard bilang tagapagbantay ng mga gusaling kanilang pinagtatrabahuhan. Kasama sa kanilang tungkulin ang:

  • huwag magpapasok ng mga di-awtorisadong tao
  • rumonda sa lugar
  • gumamit ng CCTV
  • suriin ang mga kargamento o kagamitan na paparating o papalabas
  • at iulat ang katayuan ng mga kagamitang pang-seguridad na ginagamit sa palibot ng gusali, kung kinakailangan nito ng maintenance o pagkukumpuni.

Bilang mata ng gusali, naatasan silang mag-matiyag at mag-ulat ukol sa mga kaganapan o di kanais-nais na pangyayari sa lugar na kanilang katungkulan. Kanilang katungkulan din harangan ang mga may masasamang balak o saloobin mula sa pagpasok ng gusali, kung kaya't dapat laging handa at listo sa mga taong di-pinahihintulutang makapasok, pati na rin sa mga magnanakaw o nanggugulo. Naatasan silang ipagtanggol at panatilihin ang kapayapaan sa loob ng gusali, nakatuon sa pagpapahalaga ng bawat buhay sa loob nito.

Bago makapag-apply bilang security guard, kakailanganing makapasa muna ang kandidato sa mga sumusunod na pamantayan:

  • Isang Filipino citizen na may edad mula 21 hanggang 50
  • Malakas ang pangangatawan at kalusugan
  • Nakapagtapos ng high school, na may katibayang diploma
  • May tangkad na 5 feet 4 inches pataas

Bukod sa NBI, PNP, barangay, at court clearances, kinakailangan rin ng:

  • Clearance mula sa neuropsychiatric test, mula sa clinic na pinahihintulutan ng PNP Health Service
  • isang Retirement Order or Discharge Order, kung dating kasapi ka ng PNP o AFP sa iyong nakaraan
  • at ang kinalabasan ng drug test.

Mahalaga ang katungkulan ng bawat security guard sa pagpapanatili ng kapayapaan sa isang lugar at paniniguro sa kaligtasan ng mga tao at pag-aari ng kanilang pinaninilbihan. Kung naghahanap ka ng kabuhayan ngayon na maaring panimula ng mahaba at masaganang career sa security, at nasasaloob mo ang mga katangian tulad ng tapang at kagalangan sa harap ng hamon, at pinagpapahalagahan mo ang kaligtasan ng nakararami, maari gampanan mo ang katungkulan ng security guard bilang #JobsThatMatter.

Mahigpit ang pagsasala ng mga kumakandidato sa trabaho ng security guard. Mangingibabaw ang kandidatong armado ng isang resume na mahusay ang pagkakasulat, na ibinibida ang  mga katangian na maaring hinahanap ng mga hirer at makatotohanan sa kaniyang karanasan at kakayahan.

Paano Magsulat ng Resume Kung Mag-a-apply Bilang Security Guard

Career Summary/Objective

Hindi lamang palamuti ang pagpapahayag ngcareer objective: sa pagpapahayag ng pang-matagalang layunin bilang pambungad ng resume, napagtitibay nto ang iyong sadya at naipapahiwatig kung hanggang saan ka maaring maasahan. Maikli man ito, maaring ikaangat nito ang iyong magagandang mga katangian sa pagsusuri ng isang hirer. Kaya sa pagsusulat ng career objective, pati na rin sa pagsasaad ng karanasan mula sa lahat ng pinasukan, tiyaking malinaw ang paglarawan sa sarili, sa iyong mga kasanayan at kakayahan, at kung ano ang nag-u-udyok sa iyo na pasukin ang ganitong uri ng trabaho.

Simulan ang pagsulat ngcareer objectivesa pagsagot ng mga tanong na ito bilang gabay:

  • Mayroon na ba akong karanasan bilang security guard?
  • Ano ang aking mga katangian at kakayahan na makatutulong sa akin gampanan ang katungkulan ng security guard?
  • Ano ang gusto ko makamit mula sa trabahong ito? Kabilang dito ang mga pansarili atprofessionalna layunin, tulad ng pagsusustento sa pamilya o hangaring ma-promotesa katungkulan na head of security o maging personal security ng VIP, balang araw.

Example:

Licensed security guard with 4 years of experience in providing safety and crime prevention practices in private and public properties. Well-versed in operating CCTV systems, patrolling large venues, monitoring entry and exit of personnel, and inspecting equipment. Committed to bringing superior protection measures, leadership, and professionalism to a company that can provide long-term employment and job security.

(Isang lisensyadong security guard na may apat na taon na karanasan sa pagtaguyod ng kaligtasan at pagpigil ng krimen sa pribado at pampublikong lugar at ari-arian. Marunong sa paggamit ng CCTV systems, sa pagronda ng malalaking gusali, ang pagbantay sa pagpasok at paglabas ng tauhan, at ang pag-inspekta ng mga kagamitan. Nangangakong magbibigay ng mataas na kalidad na seguridad at serbisyo sa kumpanya na makakapagbigay ng trabahong pang-matagalan at benepisyo.)

Work Experience

Ilista ang mga napag-daanan mong trabaho, gamit ang sumusunod na format: posisyon, pangalan ng dati mong kumpanya, at ang petsa kung kailan ka nagsimula at umalis sa trabaho. Simulan sa pinaka-huling trabahong pinasukan, paatras.

Gamit angbullet points, maaari mo ring isaad ang mga nagampanang katungkulan at kakayahang napatunayan o nakasanayan mo na sa dating mga pinasukan. Ipahayag sa hirer ang lawak ng iyong karanasan bilang mahusay at mapagkakatiwalaang security guard.

Example:

Security Guard

XYZ Corporation, Pasig City

April 2015 -- October 2019

  • Patrolled the entry points and maintained high visibility as a deterrent to crimes and violations
  • Logged entry of authorized personnel and barred unauthorized personnel from the premises
  • Monitored and responded to CCTV and fire alarm systems
  • Reported security incidents to the management
  • Coordinated with police and barangay authorities on suspicious activity
  • Enforced company policies on all visitors

Key Skills

Bagama't kailangan dumaan sa pagsusulit para magkaroon ng lisensyang gampanan ang pagiging security guard, mahalaga pa rin na ilista ang lahat ng mga kasanayan at kakayahang nakamit na maaring makatulong sa kahusayan mo sa pagiging security guard. Hindi kailangan na magmula ito lahat sa dati mong pinasukan bilang security guard, lalo na't kung unang pag-a-apply mo ito - maaari din itong manggaling sa kalawakan ng karanasan mo sa iba't-ibang trabahong pinasukan.

Ito ang tinatawag natransferable skills, o mga kasanayan na natutunan mo, maging sa paghahanap-buhay man o sa sariling pamumuhay, na maaaring magamit sa trabahong hinahangad pasukin. Ilan sa mga pinaka-angkop natransferable skillsang mga sumusunod:

  • Staying calm under pressure (Pagiging kalmado sa kabila ng mabigat na sitwasyon)
  • Observational skills (Mapagmasid at mapagmatyag)
  • Attention to detail (Mabusisi pagdating sa mga detalye)
  • Planning and decision-making (Marunong mag-plano at gumawa ng epektibong desisyon)
  • Integrity (Integridad)
  • Professionalism (Propesyonalismo)

Natutunan mo man ang mga ito bilang security guard o sa ibang trabahong nagampanan, maaring ikaangat mo sa ibang kandidato ang pagpapahayag ng pagkakaroon ng mga kakayahang ito. Kaya isiping mabuti at isalarawan ang lahat ng kakayahan mong makabuluhan sa papasukan, at tiyaking makatotohanan ito sa iyong karanasan.

Resume SampleÂ

Kailangang gumamit ng propesyonal na format, kabilang ang font type at kulay nito. Hangga't maaari, gawing isa hanggang dalawang pahina lamang ang iyong resume. Matapos maisulat ang first draft ng resume, daanan muli para maiwasan ang mga mali saspellingatgrammar.

security professional resume

Mahalaga ang seguridad at proteksyon sa pang-araw-araw na pamumuhay at paghahanap-buhay, at may mga namumukod-tanging magagaling sa paniniguro ng kaligtasan ng nakararami. Kung isa ka na rito at interesado kang mag-apply bilang security guard, simulan sa paghahanap ng mga opening at iba pang #JobsThatMatter sa JobStreet website na may malawak na database ng mga job listing mula sa mga pinaka-respetadong kumpanya sa Pilipinas.

Kung naghahanap ka ng trabahong mapagsisimulan kaagad, i-update ang JobStreet profile.

At JobStreet, we believe in bringing you #JobsThatMatter. As a Career Partner, we are committed to helping all jobseekers find passion and purpose in every career choice. And as the number 1 Talent Partner in Asia, we connect employers with the right candidates who truly make a positive and lasting impact on the organisation.

Discover Jobs That Matter. Visit JobStreet today.

About SEEK Asia

SEEK Asia , a combination of two leading brands JobStreet and jobsDB, is the leading job portal and Asia's preferred destination for candidates and hirers. SEEK Asia's presence span across 7 countries namely Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Philippines and Vietnam. SEEK Asia is part of the Australian Securities Exchange-listed SEEK Limited Company, the world's largest job portal by market capitalization. SEEK Asia attracts over 400 million visits a year.

About SEEK Limited

SEEK is a diverse group of companies, comprising a strong portfolio of online employment, educational, commercial and volunteer businesses. SEEK has a global presence (including Australia, New Zealand, China, Hong Kong, South-East Asia, Brazil and Mexico), with exposure to over 2.9 billion people and approximately 27 per cent of global GDP. SEEK makes a positive contribution to people's lives on a global scale. SEEK is listed on the Australian Securities Exchange, where it is a top 100 company and has been listed in the Top 20 Most Innovative Companies by Forbes.

More from this category: Resumes

Top search terms

Want to know what people are searching for on Jobstreet? Explore our top search terms to stay across industry trends.

Explore related topics

Choose an area of interest to browse related careers.

Subscribe to Career Advice

Get expert career advice delivered to your inbox.
You can cancel emails at any time. By clicking ‘subscribe’ you agree to Jobstreet’s Privacy Statement.