Paano Magsulat ng Resume Kung Mag-a-apply Bilang Waiter

Paano Magsulat ng Resume Kung Mag-a-apply Bilang Waiter
Jobstreet content teamupdated on 13 April, 2022
Share

Nais mo bang mag-sulat ng waiter resume, pero hindi mo alam kung paano?

Mahalaga ang papel ng mga waiter sa food and beverage industry, lalo na sa paghubog ng karanasan ng bisita sa isangrestaurant. Kapag dumalaw ka sa isang restaurant, malaking tulong ang masinop na paninilbihan ng masipag na waiters na nakaabang sa pangangailan ng mga kumakain dito.

 Sa Pilipinas, patuloy ang paglago ng industriya ng food and beverage (F&B) nitong nakaraang dekada. Noong 2019, kumita angfood service industryng higit P600 billion sa kabuohan. Bagama't bumagal ang ekonomiya dulot ng COVID-19, patuloy pa rin ang pagtatangkilik ng Pinoy sa pag-dine-insa mgarestaurant, lalo na sa mga siyudad na tulad ng Metro Manila.

Bahagi ang waiter sa tinatawag na front-of-house (FOH) staff na humaharap sa mga customer na pinaglilikuran. Kabilang sa mga tungkulin ng isang waiter ang sumusunod: pagbati ng bisita, pagkuha at paghain ng order, pag-asikaso sa hiling ng mga customers, at pag-proseso ngbill-out.

 Bukod sa paninilbihan sa mga customer, mahalaga din ang trabaho ng waiter sa pananatili ng maayos na pagpapatakbo ngrestaurant operations.

 At dahil madalas makasalamuha ng mga customer ang mga waiter, mahalaga na magalang at magiliw kang makipag-ugnayan sa mga sukii. Mahalaga din na may alam ka sa wastongdining etiquetteat may kakayahang mag-multitask.

 Kung naghahanap ka ng trabaho at nakikita mo ang sarili mo sa industriyang ito, sundin ang sumusunod na payo sa pag-aapply bilang waiter. Maaring magkaroon ka ng magandang simula sa mahabang career sa F&B, at ng maaasahang kabuhayan sa panahong ito.

 Paano Magsulat ng Resume Kung Mag-a-apply Bilang Waiter

 Career Summary/Objective

 Maraming aplikante ang gumagamit ng gasgas na layunin sa kanilang waiter resume. Ngunit mahalaga ang pagpapahayag ngcareer objectivena mapagtitibay ang iyong sadya. Dito aangat ang iyong magagandang mga katangian na hinahanap ng isang hirer. Sa pagsulat ng career objective, siguraduhing malinaw at makatotohanan ang paglarawan sa sarili.

 Kung hindi mo alam kung paano magsimula, sagutin ang mga sumusunod na tanong, bilang gabay:

  • Mayroon ba akong karanasan sa trabahong na ito?
  • Ano ang mga kakayahan at katangian ko na makakatulong sa gawain ng isang waiter?
  • Ano ang gusto kong makamit mula sa posisyon na ito? Kabilang dito ang mga pansarili atprofessoinalna layunin tulad ng pagsustento sa pamilya o hangaring ma-promotesa katungkulang Restaurant Manager balang araw.

Narito ang isang halimbawa:

A dynamic and versatile waiter with 3 years of experience in the food service industry, with multitasking abilities and a passion for customer service. Currently seeking employment in a respected establishment where I can expand my knowledge in the F&B sector and build a long-term career.

Â(Mayroong tatlong taon karanasan sa food service industry. Masigasig, masipag sa trabaho, at marunong makitungo sa customer. Nais mapabilang sa isang kumpanya kung saan mapapalawak ang aking kaalaman sa industriya ng F&B at kung saan maaring makapag-hanap-buhay ng panghabang-buhay.)

 Work Experience

 Ilagda ang mga karanasan mo sa trabaho. Unahin ang pinakahuling trabahong pinasukan, paatras. Sundin angformatna ito:

  •    posisyon
  •    pangalan ng huling kumpanya
  •    petsa ng pagsisimula at pag-alis sa huling trabaho.
  •    Katungkulang ginampanan sa trabahong nakaraan

 Example:

 Head Server

ABC Restaurant, Makati City

June 2016 -- November 2019

  • Prepared table setting and chairs before start of service
  • In charge of greeting customers and leading them to their tables
  • Provided menu and product information to guests; promoted "push-item" sales via suggestive selling
  • Received orders and coordinated with the kitchen efficiently
  • Assigned stations for servers and assisted trainees
  • Acknowledged and resolved customer concerns; escalated complaints to restaurant manager when necessary

ÂPaano kung wala pa akong karanasan bilang waiter?Hindi lamang huling trabaho ang titingnan nghirer. Maaari mong isaad ang mga katungkulang nagampanan mo sa bawat pinasukan gamit angbullet points. Ipahayag mo sa hirer ang iyong mga katangian na makakatulong sa iyong pagtatrabaho at pagkakahubog sa pagiging isang mahusay na waiter, kahit na wala ka pang karanasan sa isang restaurant.

 Example:

 Customer Service Representative

XY Company, Quezon City

April 2013 -- June 2015

  • Answered an average of 60 inbound customer calls per day, communicating in a friendly and courteous manner
  • Provided customers with accurate information on products and services with an 86% customer satisfaction rating
  • Acknowledged customer concerns, resolved customer problems quickly and smoothly

 Key Skills

 Kung mag-a-apply ka bilang waiter, dapat mayroon kang kakayahang sumabay sa mabilis na pagpapatakbo ng restaurant. Kabilang dito ang:

  • Âorganizationalatmultitasking skills
  •    kaalaman sa mga karaniwang produkto ng restaurant(product mastery)o ang mabiisang pagkakatuto nito
  •    pagiging listo (alertness)
  •    mabuting pakikitungo sa mga customer (friendly and courteous demeanor towards customers).

 Paalala: kahit wala ka pang karanasan sa restaurants, maaring mayroon ka ng natutunang mahalagang kaalaman sa mga nakalipas na pinasukang trabaho "” ano mang industriya ito. Ito ang tinatawag natransferable skills. Kilalanin ang iyongtransferableskills, pati na rin ang mga katangian na kaaya-aya sa lugar na balak mong pasukan.

 Kabilang satransferableskillsang mga sumusunod.:

  • magaling makipag-ugnayan at makinig sa kapwa(Strong communication and listening skills)
  • may tiyaga at malasakit(Patience and empathy)
  • marunong mag-alaga ng sarili(Stress management)
  • marunong makiisa o makisama sa mga katrabaho(Cooperation and agreeableness)
  • marunong sumabay sa pagbabago at humarap sa paghamon(Flexibility with hectic situations)
  • kaalaman sa sales at marketing(Sales and marketing skills)

 Bagama't ang mga ito ay natutunan sa ibang larangan, ito ang mga katangian na kaakit-akit sa mga hirer.Â

ÂWaiterResume Sample

Gumamit ng pormal at naaayon na format sa resume, kabilang angfont typeat kulay nito. Huwag nang pahabain angresumehangga't maaari. Sapat na ang dalawang pahina. At bago ipasa ang resume, tiyakin na wala itongtypographic errorso mga malingspelling.

Waiter Resume Tips

Kung magaling kang makitungo sa mga customer at gusto mong tahakin ang karir sa F&B industry, magandang pasukin ang trabaho ng waiter. Sundin ang aming ilang mga tips kung paano mag-sulat ng waiter resume. Magsimula nang tumingin ng mga opening at iba pang #JobsThatMatter sa JobStreet, na may malawak na database ng mga job listing mula sa mga pinaka-respetadong kumpanya sa Pilipinas.

 Naghahanap ka ba ng masisimulan agad-agad? I-update ang JobStreet profile at gamitin ang hashtag na #WorkNow, upang mahanap ka ng mga hirer na nangangailangan na ng mga talent sa trabaho.

About JobStreet.com

At JobStreet, we believe in bringing you #JobsThatMatter. As a Career Partner, we are committed to helping all jobseekers find passion and purpose in every career choice. And as the number 1 Talent Partner in Asia, we connect employers with the right candidates who truly make a positive and lasting impact on the organisation.

Discover Jobs That Matter. Visit JobStreet today.

About SEEK Asia

SEEK Asia , a combination of two leading brands JobStreet and jobsDB, is the leading job portal and Asia's preferred destination for candidates and hirers. SEEK Asia's presence span across 7 countries namely Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Philippines and Vietnam. SEEK Asia is part of the Australian Securities Exchange-listed SEEK Limited Company, the world's largest job portal by market capitalization. SEEK Asia attracts over 400 million visits a year.

About SEEK Limited

SEEK is a diverse group of companies, comprising a strong portfolio of online employment, educational, commercial and volunteer businesses. SEEK has a global presence (including Australia, New Zealand, China, Hong Kong, South-East Asia, Brazil and Mexico), with exposure to over 2.9 billion people and approximately 27 per cent of global GDP. SEEK makes a positive contribution to people's lives on a global scale. SEEK is listed on the Australian Securities Exchange, where it is a top 100 company and has been listed in the Top 20 Most Innovative Companies by Forbes.

More from this category: Resumes

Top search terms

Want to know what people are searching for on Jobstreet? Explore our top search terms to stay across industry trends.

Explore related topics

Choose an area of interest to browse related careers.

Subscribe to Career Advice

Get expert career advice delivered to your inbox.
You can cancel emails at any time. By clicking ‘subscribe’ you agree to Jobstreet’s Privacy Statement.